Hanggang Ngayon

Lyrics
[Verse 1] Bakit 'di magawang limutin ka? Bawat sandali'y ika'y naaalala Tangi kong dasal sa Maykapal Makapiling kang muli Bakit 'di ka maalis sa isip ko? Ikaw ang laging laman nitong puso ko Kahit pilitin ko'ng damdami'y magbago Ikaw pa rin ang hinahanap ko (Ikaw pa rin) [Chorus] Hanggang ngayon (Hanggang ngayon) Ikaw pa rin ang iniibig ko Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko Ikaw lamang hanggang ngayon [Post-Chorus] Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh [Verse 2] Ikaw lamang tunay na minamahal Ikaw lang hinihintay ko nang kay tagal Ikaw ang ligaya, ang buhay at pag-asa Ikaw lang, wala nang iba [Chorus] Kaya't hanggang ngayon (Hanggang ngayon) Ikaw pa rin ang iniibig ko Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko Ikaw lamang hanggang ngayon (Ikaw lamang) [Bridge] Dapat ba nating pagbigyan? Ang ating mga puso'y muli pang buksan At ibibigay lahat ang pag-ibig na tapat (Tapat sa 'yo) sa 'yo, ohh [Chorus] Hanggang ngayon Ikaw pa rin ang iniibig ko Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko Hindi ko na kayang mag-isa Ikaw lamang, ikaw lamang Ikaw lamang (Ikaw lamang) Hanggang ngayon, ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ogie Alcasid