Sinasamba Kita

Lyrics
[Verse 1] Sinasamba kita Higit sa iyong akalang iniibig lang kita Paggalang ko sa 'yo'y higit sa buhay kong taglay Wala na yatang papantay Ang buhay ma'y ibibigay ko pa Sinasamba kita [Chorus] Kung anumang dahila'y hindi mahalaga Basta't sinasamba kita 'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama [Post-Chorus] Paano ka maipipinta? Kulang ang kulay nila Para mailarawan ka, sinta, ha [Verse 2] Sinasamba kita Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko Na labis nagmahal sa 'yo Masisisi Niya ba ako, sinta? Sinasamba kita [Chorus] Kung anumang dahila'y hindi mahalaga Basta't sinasamba kita 'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama Basta't sinasamba kita Kung anumang dahila'y hindi mahalaga Basta't sinasamba kita [Outro] La-la-la, la-la-la, oh-oh-oh Basta't sinasamba kita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rey Valera
- George Canseco