Lahat ng Bagay

Lyrics
[Verse 1] Ang araw ay kay tulin na lumilipas Humihina ang pagkatao kong labas Ngunit nadarama pagibig Mong wagas Ako ay nilingap at pinaging-dapat [Chorus] Lahat ng bagay ay sa 'Yo Ama Ang buhay at lakas sampu ng kaluluwa Ang maiaalay tuwina Awit at pasalamat Pagpupuring walang hangga [Verse 2] Hating gabi na nagdaan sa aking buhay Mga bagyong sa tulong Mo'y nalagpasan Ang mga sandaling puso'y nalulumbay Iyong hinawakan aking mga kamay [Chorus] Lahat ng bagay ay sa 'Yo Ama Ang buhay at lakas sampu ng kaluluwa Ang maiaalay tuwina Awit at pasalamat Pagpupuring walang hangga Walang hangga [Verse 3] Kung magisa ay 'di naman makakayanan Harapin ang pagsubok at kalungkutan Sa paghina nitong lupa kong katawan Pag-asa'y Ikaw pa rin ang aking gabay [Chorus] Lahat ng bagay ay sa 'Yo Ama Ang buhay at lakas sampu ng kaluluwa Ang maiaalay tuwina Awit at pasalamat Awit at pasalamat Awit at pasalamat Pagpupuring walang hangga [Outro] Salamat Ama Walang hangga
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon