Wag Paglaruan

Lyrics
[Intro] 'Wag mo 'kong paglaruan ('Di kita kailangan) 'Wag mo 'kong paglaruan ('Di ako laruan) [Verse 1] Parang langit-lupa, ako'y 'di mo makukuha Kahit na ilang beses mong patunayan ang sarili mo Parang luksong-baka, lalaktaw kapag nagsawa Alam ko na ang galawan mo, hindi mo 'ko maloloko [Pre-Chorus] 'Di mo ko madadaan sa habul-habulan Mahirap nang baguhin aking isipan Isa, dalawa, tatlo, magtatago na sa 'yo [Chorus] Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo Na hindi alam kung pa'no makuntento Walang dayaan, Jack-En-Poy tayo At siguradong puso ko'y magiging bato [Post-Chorus] 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di kita kailangan 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di ako laruan 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di kita kailangan 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di ako laruan [Verse 2] Parang tumbang-preso, ikaw raw ay asintado Dami-daming kakilala kong pinaasa at iniwan mo Parang patintero, masyadong agresibo Kahit ano pang galawan mo, hindi mo 'ko maloloko [Pre-Chorus] 'Di mo ko madadaan sa habul-habulan Mahirap nang baguhin aking isipan Isa, dalawa, tatlo, magtatago na sa 'yo [Chorus] Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo Na hindi alam kung pa'no makuntento Walang dayaan, Jack-En-Poy tayo At siguradong puso ko'y magiging bato (Uh, yeah) [Verse 3] Bilin sa'kin ni Nanay at Tatay (Uh, yeah) 'Wag mo daw kainin ang regalo mong tinapay (Ayy, woo) Sabi ko, "'Wag silang mag-alala" (Ayy) "Ako'y natuto na, 'di papabiktima" (Ayy) Sabi ng lahat, "Ikaw ay matinik" (Uh, ayy) Lulundag ako na para bang luksong-tinik (Ayy, ayy) Oh, pen-pen de sarapen (Sheesh) Pagkat ayoko sa ugali mong batuten [Pre-Chorus] Isa, dalawa, tatlo, magtatago na sa 'yo [Chorus] Pagkat ayoko na ako'y paglaruan ng isang tulad mo Na hindi alam kung pa'no makuntento Walang dayaan, Jack-En-Poy tayo At siguradong puso ko'y magiging bato [Post-Chorus] 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di kita kailangan 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di ako laruan ('Wag mo 'kong paglaruan) 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di kita kailangan 'Wag mo 'kong paglaruan, 'di ako laruan [Outro] Ah, yeah, ah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Tiara Shaye