Ang Aking Dahilan

Lyrics
[Verse 1] Kapag ako'y nangangamba Isang tingin mo lang ay tumatapang na muli ako 'Pag nawawalan ng pag-asa Isang tapik mo lang at naniniwala na muli ang puso [Pre-Chorus] 'Di ko kakayanin hanggang dulo Kung wala ang ilaw ng pag-ibig mo [Chorus] Ikaw ang aking dahilan Kung kaya't lumalaban hanggang manalo Nadarapa ma'y tatayo Ako, ay bunga ng 'yong dasal Paghihirap at pagmamahal kaya't pangako Ako'y magpapatuloy tulad mo [Verse 2] Kahit na nagkalayo Isang pagtatagpo Ang magdurugtong muli sa ating puso At hindi magbabago Ako'y buhay dahil sa'yo Bahagi ka ng aking pagkatao [Pre-Chorus] 'Di na maitatama pa ang umpisa Hindi na bale ngayong tayo ay magkasama [Chorus] Ikaw ang aking dahilan Kaya't lumalaban hanggang manalo Nadarapa ma'y tatayo Ako, ay bunga ng paghahanap Paniniwala mo't pangarap kaya't pangako Ako ay mananalo tulad mo Ooh-woah [Buildup] Ako ay pinagpala dahil itinadhanang [Chorus] Kayo ang aking dahilan Kung kaya't lumalaban hanggang sa dulo Nadarapa ma'y tatayo Ako ay puno ng pagmamahal Namumuhay ng marangal at lumalaban 'Pagkat kayo ang aking dahilan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ann Figueroa