Tilaluha

Lyrics
[Verse 1: Ken] Sa tuwing ika'y nakikita 'Di mapigil ang luha sa aking mata Pa'no nga ba? Pa'no nga ba? Pa'no nga ba'ng limutin ka? Kung sa puso ko, ika'y nag-iisa [Verse 2: Josh, Sejun] Mali ba na ako'y umaasa? Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta? Bakit nga ba? Bakit nga ba? Bakit nga ba mahal kita? Kung sa puso mo ay mayro'n nang iba [Chorus: Stell, Sejun] Unti-unting lunurin ang aking nadarama Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka [Verse 3: Justin, Sejun, Stell] Kahit na ula'y tumila na (Ah, ah, ah) Luha sa aking mata'y patuloy pa Ano nga ba? Ano nga ba? Ano nga ba'ng magagawa? Kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita [Chorus: Sejun, Stell] Unti-unting lunurin ang aking nadarama Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka [Bridge: Sejun, All, Stell] Lahat din ay mawawala Kasabay ng pagtila ng nadarama Unti-unting lunurin ang aking nadarama, oh-oh [Chorus: All] Unti-unting lunurin ang aking nadarama Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka, oh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- PABLO (SB19)
- Kim Kyeong Su
- Geong Seong Han