Ako’y Para Lamang Sa’yo

Album cover art for "Ako’y Para Lamang Sa’yo" by Sarah Geronimo

Sarah Geronimo - Pop, P-Pop

Ako’y Para Lamang Sa’yo

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Nasaan ka? Nasa mabuti ka bang kalagayan? Naaalala mo kaya ang ating mga pinagsamahan? 'Di ko alam kung ba't pinaghiwalay pa ng tadhana Ang laging dasal sa Maykapal ay ika'y alagaan [Pre-Chorus] Pinangakong hindi ka iiwan Sa pangarap, ikaw ang kasama Hinayaang ikaw ay lumisan Sana'y malaman mo na [Chorus] Ako'y para lamang sa 'yo Kailan ma'y 'di ito magbabago Kahit saan ka pa naroroon, sinta 'Di titigil hanggang makapiling kang muli [Post-Chorus] Ikaw ang sigaw ng puso ko Ako'y para lamang sa 'yo, oh-oh [Verse 2] Nasaan ka? Araw-araw kang nasa aking isip At tuwing gabi ay nariyan ka sa bawat panaginip [Pre-Chorus] Pag-ibig sa 'yo'y 'di titigil Kahit pa mundong ito ay maglaho Kapalaran ko'y nariyan sa piling mo 'Di susuko sa paghanap sa 'yo [Chorus] Ako'y para lamang sa 'yo Kailan ma'y 'di ito magbabago Kahit saan ka pa naroroon, sinta 'Di titigil hanggang makapiling kang muli [Post-Chorus] Ikaw ang sigaw ng puso ko Ako'y para lamang sa 'yo [Bridge] Umaasang muling makapiling ka Kailangan kita sa 'king buhay Hanggang mamatay, hahanapin ka't maghihintay [Chorus] Ako'y para lamang sa 'yo Kailan ma'y 'di ito magbabago, oh Ako'y para lamang sa 'yo Kailanma'y 'di ito magbabago Kahit saan ka pa naroroon, sinta 'Di titigil hanggang makapiling kang muli [Post-Chorus] Ikaw ang sigaw ng puso ko Ako'y para lamang para sa 'yo, oh-oh, oh

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Top Suzara