Kulang Ang Mundo

Lyrics
[Verse 1] Masdan mo ang alapaap At mga puwang nito Sa pagitan ng mga ulap Doon tayo tutungo, ooh [Pre-Chorus] Sa pag-ibig kong ito Humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil [Chorus] Para sa'yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo Ooh [Verse 2] Sa likod ng mga tala Pag-lampas ng himpapawid Sa hindi mo pa nakikita Doon ka ihahatid [Pre-Chorus] Ng pag-ibig ko sa'yo Humanda kang tuklasin ang isang bagong dako [Chorus] Para sa'yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo [Bridge] Kung sa'kin ay kakapit Ang anumang balakid Ay 'di makakapigil sa ating lalakbayin Ang mundo ng panaginip (Panaginip) Kung ang iyong mata'y ipipikit Makikita mo aking pag-ibig [Pre-Chorus] Ooh, sa pag-ibig kong ito Humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil [Chorus] Para sa'yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo Na kung hahayaan mo ang iyong puso Lakbayin ang lawak ng pag-ibig ko sa'yo Makikita mo na kulang ang mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daryl Cielo