Di Ka Nag-iisa

Album cover art for "Di Ka Nag-iisa" by Sam Concepcion & Runmanila & Dello

Sam Concepcion & Runmanila & Dello - Rap, Rock

Di Ka Nag-iisa

0 Plays

Duration: 3:51

View Album

Lyrics

Language:

[Intro] 'Di ka nag-iisa [Verse 1] Daloy, dumadaloy ang pighati Patuloy, patuloy lang ang 'yong ngiti Bukas may parating na bagong araw Ang lunas sa mga sugat ay matatanaw [Pre-Chorus] Balewala ang hangin (Balewala) Balewala ang init (Balewala) Panahon mo ay sasapit [Chorus] Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa, 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa) O huwag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa, 'di ka nag-iisa [Hook] 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga (Di ka nag-iisa) 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga (Di ka nag-iisa) [Verse 2] Minsan, minsan ay madadapa ka Hindi maiiwasan, bangon lang nang 'yong makita Bukas, huwag bitawan ang pag-asa Ang mundo'y di magkukusa, kaya kilos na [Pre-Chorus] Balewala ang uhaw (Balewala) Balewala ang init (Balewala) Panahon mo ay sasapit [Chorus] Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa, 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa) O huwag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa, 'di ka nag-iisa [Rap verse] 'Di ka nag-iisa kahit tila nagigiba ang mundo at tumulo ang luha dahil napipiga na ang damdamin na hinahamon ng ilang ulit Bumangon ka na't iguhit ang tadhanang nakaukit sa bato Ano ba 'to, mga pasakit na naka[?] Huwag mo hayaang lamunin ka ng galit at panibugho At pilitin mo na makabuo ng kumpiyansa, huwag kang manlumo Imbes bilangin ang pagkadapa, bilangin mong pagtayo mo At sumulong, umurong, mapait man ang kahapon Malubog ka man sa alon may pag-asa pang umahon Iyo lamang tandaan na palaging may bukas pa Ang kasagutan sa tanong ay makikita mo basta [Chorus] Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa, 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa) O huwag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa, 'di ka nag-iisa [Hook] 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga 'Di ka nag-iisa kahit na nga nag-iiba Ang ihip ng hangin may pag-asa hanggat may hininga [Outro] Matuto kang umahon 'pag ikaw ay nadulas Labanan ang pagsubok sa nilakad na landas Sa mga oras na merong ulan, kahit malakas Tandaan mo lang palagi na may langit sa taas (sa taas, sa taas)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jessen F. Ocbina