Simoy

Album cover art for "Simoy" by Rob Deniel

Rob Deniel - Pop, Philippines

Simoy

0 Plays

Duration: 3:20

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] 'Di tulad ng ulap na kusang lumilisan 'Di tulad ng alon sa may dalampasigan Ang pag-ibig ko'y 'di panandalian 'Di panandalian [Pre-Chorus] Walang pagdududa, 'di ito silakbo Tulad ng sulong saglit lang ay maglalaho Oh, oh [Chorus] Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo Masukal man ang landas 'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin Para lang samyuin ang simoy mo [Verse 2] 'Di tulad ng bunga na kay bilis malipol Pag-ibig ko'y binhing patuloy sumisibol 'Di 'to ilusyon, 'di tulad ng dati 'Di tulad ng dati [Pre-Chorus] Walang pagdududa, 'di ito silakbo Tulad ng sulong saglit lang ay maglalaho Oh, oh [Chorus] Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo Masukal man ang landas 'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin Para lang samyuin ang simoy mo [Bridge] Anuman ang dilim Pag-ibig sa 'yo ang aking bituin [Chorus] Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo Masukal man ang landas 'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin Para lang samyuin ang simoy mo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Thyro Alfaro