Kabilang Buhay

Lyrics
[Verse 1] Masasayang mga araw na kasama kita Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama Na parang wala nang sisira ng lahat [Pre-Chorus] Bakit pa dumating ang oras na ito? Nabalitaan ko na wala ka na [Chorus] Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa? Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay? [Verse 2] Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo? 'Di ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap? Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam? [Pre-Chorus] Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na [Chorus] Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa? Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay? [Instrumental Bridge] [Chorus] Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan? (Sa kabilang buhay) Hindi papabayaan na ako'y mag-isa? (Sa kabilang buhay) Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? (Sa kabilang buhay) Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay? [Outro] Sa kabilang buhay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Mark Jay Nievas