Para sa Bayan

Album cover art for "Para sa Bayan" by Gloc-9 & LIRAH

Gloc-9 & LIRAH - Rap, Theme Song

Para sa Bayan

6.9K Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Intro: Lirah Bermudez, Gloc 9] Tanggapin ang hamon (Buhay mo man ang s'yang nakataya) Lumaban at bumangon (Walang abot kapag nakahiga) Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon [Verse 1: Gloc 9] Mga letra sa papel na isinulat Aking mga saloobin na binubuhat Habang lumusong sa kumunoy At maiahon ang bayan na darang sa apoy [Verse 2: Gloc 9] Aking ina, kumusta ka na? Sa aki'y wag ka mag-alala Kahit ako'y nawalay sa'yo Ang nais ko ay malaman mo na Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro Sa napakaraming bagay na inyong itinuro Sa aking at sa lahat ng aking mga kapatid Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid Tagadala ng liwanag pag ako'y nagbabasa Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga'y bulag Kahit gaano kalupit ang sa iba'y ating sinapit 'Pag may galit at pait sa pagmamahal ka kumapit 'Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas 'Di kailangang gumamit ng dahas upang maka-alpas [Verse 4: Gloc 9] Mga nakagawian ng mga naatasang mamuno Tuyo na ang bukal, konti na lang ang tumutulo Sa 'yong mga problema ang sinasagot ay biro Hindi sumusunod kahit ikaw ay makisuyo Palubog nang palubog na parang kumunoy Tanso sa ginto'y di lubog, peke ang amoy Parang mga nagaalok ng tulong ngunit sakim-sakim Na ang kapangyarihan na pilit inaangkin Ang buhay kong binuwis, kasama pa ng iba Handa kong ialay muli basta makita lang kita Na malaya't masaya, lupa kong sinilangan Sana'y hindi magsawala ang aking ipinaglaban [Verse 5: Lirah Bermudez] Kulay kayumanggi man ang aking binhi Hindi magkukubli, ipaglalaban ang lahi Pag-ibig na taglay,aking isinabuhay Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay [Verse 6: Lirah Bermudez] Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko [Outro: Lirah Bermudez, Gloc 9] Tanggapin ang hamon (Buhay mo man ang s'yang nakataya) Lumaban at bumangon (Walang abot kapag nakahiga) Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9