Mabuti Pa Sila

Lyrics
[Verse 1] Mabuti pa ang mga surot laging mayrong masisiksikan Mabuti pa ang bubblegum laging mayrong didikitan Mabuti pa ang salamin laging mayrong tumitingin 'Di tulad kong laging walang pumapansin [Verse 2] Mabuti pa ang mga lapis sinusulatan ang papel At mas mapalad ang kamatis maya't maya'y napipisil Napakaswerte ng bayong hawak ni miss na maganda 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa [Bridge] Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila? 'Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalawa Pigilin niyo akong magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng mahal oh [Verse 3] Kahit ang suka ay may toyo, ang asin may paminta Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa [Verse 4] Mabuti pa ang simpleng tissue laging nahahalikan Mabuti pa ang mga bisyo, ha, umaasang babalikan Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa, oh [Bridge] Pigilin niyo akong magpatiwakal Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal? [Verse 5] Mabuti pa'ng mga snatcher laging may naghahabol Ang aking luma na computer mayro'n pa rin compatible Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Nag-iisa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gary Granada