Magmula Ngayon

Lyrics
[Verse 1] 'Di maiwasan Sa sinuman na may minamahal Na ang isa't isa'y saktan Matapos ay maglalayo Ito sana'y 'di mangyari sa atin [Verse 2] Pangako mo sa 'kin Na tayo ay hindi mabibigo Asahan magmula ngayon Na gagawin ko ang lahat 'Wag ka lamang malayo sa akin [Chorus] Kaya't pangako ko magmula ngayon Pakaiingatan ko ang pag-ibig mo Lagi kong didinggin ang 'yong hiling At bawat lambing Bakit hindi sa 'yo ibibigay Asahan magmula ngayon [Verse 3] Para sa akin Ngayon pa lang ako nagigising Na kung ikaw ang buhay ko Ligaya at pag-asa ko 'Di ka dapat malayo pa sa akin [Chorus] Kaya't pangako ko magmula ngayon Pakaiingatan ko ang pag-ibig mo Lagi kong didinggin ang 'yong hiling At bawat lambing Bakit hindi sa 'yo ibibigay Asahan magmula ngayon [Bridge] Dahil ang pag-ibig Nais niya'y ligaya ng lahat Kailanman siya'y hindi nagkunwari Siya ang iyong lakas Ang gabay sa 'yong landas [Chorus] Kaya't pangako ko magmula ngayon Pakaiingatan ko ang pag-ibig mo Lagi kong didinggin ang 'yong hiling At bawat lambing Bakit hindi sa 'yo ibibigay Asahan magmula ngayon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rey Valera