Hindi Kita Ipagpapalit

Lyrics
[Verse 1] Ikaw ay lalayo upang mangibang-bayan Mayro'n kang pangarap, kita'y pinagbigyan Mag-iingat ka na lang, sulat ka na lang May magagawa pa ba ako? [Verse 2] Batid kong 'di mo nais tayong magkalayo Nais mong umahon sating kinalagyan Sisisihin ba kita, pipigilin ba kita? Ngunit kung ako ang diringgin [Chorus] 'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV 'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan 'Pagkat 'di mababayaran ang mga sandali Kapiling ka 'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV 'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan May magagawa pa tayo, kahit anong paraan Basta't ikaw ang kailangan ng ating tahanan [Instrumental Break] [Verse 3] Napakaiksi ng buhay na ito Bakit uubusin nang malayo pa sa 'yo? Dapat ba na manaig ang yaman sa mundo Kung kapalit naman ay buhay ko? [Chorus] 'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV 'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan 'Pagkat 'di mababayaran ang mga sandali Kapiling ka 'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV 'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan May magagawa pa tayo, kahit anong paraan Basta't ikaw ang kailangan ng ating tahanan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rey Valera