Liwanagan Mo, Hesus

Lyrics
Masdan natin ang ating daigdig Ginawang tahanan ng D'yos nating mahal Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon Nabalungan ng kadiliman at nauhaw sa pagmamahal Damhin natin ang kalooban Ginawang himlayan ng Diyos nating mahal Ngunit sa pagsapit ng sigwa at tag-init sa ating buhay Nawalan ng malay at nanlamig sa pag-ibig Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap Matalinhagang ilaw mo't pagmamahal Pumapawi ng karimlan Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas Kapayapaan at dangal isinag mo At maninibago ang wangis ng iyong mundo Ang tawag ni Hesus pakinggan Isabuhay natin mithi ng kaharian Magpawi ng gutom sa uhaw magpainom Sa nasugatan ay magpahilom sa maysala magpatawad Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap Ang matalinhagang ilaw mo't pagmamahal Pumapawi ng karimlan Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas Kapayapaan at dangal isinag mo At maninibago ang wangis ng iyong mundo Kaharian ng Maykapal sumasaatin na Sa pamamagitan ni Hesus Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap Ang matalinhagang ilaw mo't pagmamahal Pumapawi ng karimlan Liwanagan mo Hesus ang aming buhay Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas Kapayapaan at dangal isinag mo At maninibago ang wangis ng iyong mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Arnel Aquino SJ