Isang Lahi

Lyrics
[Verse 1] Kung ang tinig mo'y 'di naririnig Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig? Darating ba ang isa ngayon At magbabago ang panahon? Kung bawat pagdaing ay laging pabulong [Verse 2] Aanhin ko pa dito sa mundo Kung ang mga matang nakikita'y 'di totoo? May ngiting luha ang likuran At paglayang tanong ay kailan Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal? [Chorus] Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi Iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang siyang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo [Verse 3] 'Diba't ang gabi ay mayroong wakas? Pagkatapos ng dilim ay may liwanag Araw ay agad na sisikat iilawan ang ating landas Nang magkaisa bawat nating pangarap [Chorus] Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi Iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang siyang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo [Outro] Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi Iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang siyang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Vehnee Saturno
- Freddie A. Saturno