Kung Alam Mo Lang

Lyrics
[Verse 1] Kung alam mo lang Matagal na kitang minamahal Simula't sapul pa lang Ikaw na'ng tibok ng puso ko Ngunit 'di mo pansin Aking mga tingin Sayang na sayang lang sinta Mahal pa naman kita [Verse 2] Nangangamba ako (Nangangamba ako) Sakaling malaman mo Baka iwasan mo (Baka iwasan mo) Mga tingin ko sa 'yo Sana'y maunawaan mo (Sana'y maunawaan mo) Damdamin kong ito Kahit mayro'n ka nang Ibang minamahal sa buhay mo [Chorus] Kung alam mo lang (Kung alam mo lang) Kung ga'no kita kamahal Nagtitiis, nagdurusa Sa tuwing kapiling mo siya Kung alam mo lang na mahal na mahal kita Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan, ooh [Verse 3] Paalam na, sinta (Paalam na) At 'di ko na ito kaya Sa pangarap ko na lang Makakasama ko ikaw Baka sakaling doon lang Ako'y iyong pakinggan Dinggin mo'ng pagsamo ko At malaman mong mahal kita (Mahal na mahal kita) [Chorus] Kung alam mo lang (Kung alam mo lang) Kung ga'no kita kamahal Nagtitiis, nagdurusa sa tuwing kapiling mo siya Kung alam mo lang Na mahal na mahal kita Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan [Outro] Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Arthur Madrigal