Taguan sa Maliwanag na Buwan

Album cover art for "Taguan sa Maliwanag na Buwan" by Pappel

Pappel - Pop, Filipino

Taguan sa Maliwanag na Buwan

0 Plays

Duration: 5:29

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Nadatnan ang kalangitan Sumulpot na naman ang maliwanag na buwan Maaari kaya tayong hilahin Papalapit ng puwersang ito sa isa't isa At magkita nang hindi inaasahan [Pre-Chorus] Sana Bakit hindi, 'di ba? [Chorus] Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang Karagatan ng tao Lumubog at umahon, lumilingon-lingon Nasaan? Walang kaalam-alam na ako pala'y [Verse 2] At nang matagpuan Ako'y iyong hinagkan Tulad ng paghalik ng dilim ng gabi Sa maliwanag na buwan Kalakip pa ang mga tala na sumisimbulo Sa nag-aalab na nadarama Ayoko nang kumawala [Pre-Chorus] Sana Bakit hindi, 'di ba? (O bakit, bakit hindi) [Chorus] Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang Karagatan ng tao Lumubog at umahon, lumilingon-lingon Nasaan? Walang kaalam-alam na ako pala'y [Post-Chorus] Ooohh, ooohh, oooohh [Bridge] 'Di ko inakala 'Di makapaniwala Na para bang ito'y isang Panaginip lang Pasalamat kay Bathala Landas natin pinagtama Makadaupang palad Sinta ika'y aking hinahangad 'Di ko inakala 'Di makapaniwala Na para bang ito'y isang Panaginip lang Pasalamat kay Bathala (Pasalamat kay Bathala) Landas natin pinagtama (Landas natin pinagtama) Makadaupang palad Sinta ika'y aking hinahangad [Chorus] Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang Karagatan ng tao Lumubog at umahon, lumilingon-lingon Nasaan? (Nasaan?) Walang kaalam-alam na ako pala'y iyong Natagpuan [Post-Chorus] Ahhh, aaahh Ooooohhhh oohhhhh [Outro] Ako pala'y natagpuan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Pappel