Pag-ibig Sa Tabing-Dagat (2022 Remaster)

Lyrics
[Intro] Isang dapit-hapon sa tabing-dagat Sa aking paglalakad 'Di ko maiwasang mapansin ang mga bagay-bagay [Verse 1] Ang hangin na masuyod na dumadampi Sa aking mga pisngi at bumubulong Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay [Chorus] Nasa'n na sya Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon Kung paano nabuo ang Pag-ibig sa Tabing-Dagat [Verse 2] Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin Sa aking mga binti'y naglalambing Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa Na dati-rati ay may katabi [Chorus] Nasa'n na sya Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon Kung paano nabuo ang Pag-ibig sa Tabing-Dagat [Outro] Kung paano nabuo ang Pag-ibig sa Tabing-Dagat
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Clem Castro