Ikaw Na Walang Hanggan

Album cover art for "Ikaw Na Walang Hanggan" by Orange & Lemons

Orange & Lemons - Rock, Pop

Ikaw Na Walang Hanggan

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Kung 'di man kita nasisilayan Sa araw-araw, oh, aking hirang Mauhaw man ako sa dampi ng 'yong labi Ang tamis ng 'yong pagsuyo'y laging gugunitain [Verse 2] Gaya ng bulaklak sa kanyang bunga Ako'y nakatanikala sa 'yong alaala Mabuhay man ako sa kirot ng pagwalay Pakatandaan mo, ito rin ay may hangganan [Bridge] Tila sa bawat bintana, ika'y natatanaw Matimtim na naghihintay sa iyong pagdaraan [Pre-Chorus] Kung 'di man angkop ang pag-ibig natin Pagsisikapan ko at mananatili [Chorus] Bibilangin ang mga sandaling ika'y kapiling, sinta Iiwasan lahat ng tukso Maghihintay para lamang sa 'yo Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama [Instrumental Break] [Chorus] Ikaw ang aking daigdig, hindi mapapantayan Susuungin ang sigwa at unos Makapiling ka lang nang lubos Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama [Outro] Hanggang sa wakas, mahal ko Ikaw na walang hanggan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Clem Castro