Hindi Ko Sukat Akalain

Lyrics
[Verse 1] Tila kahapon lamang nang tayo'y nagkakilala 'Di inaakalang mauulit ang ating pagkikita Mga nakaw na sandaling alam man natin ay bawal Paulit-ulit naganap ang 'di inaasahan [Verse 2] Ang nakaraan ba sa 'ti'y 'di na ba magaganap? Sukdulang pag-irog ko ay 'di na ba hinahanap? Naging mailap ang pagkakataon sa nagdaang mga suyuan Aking hahanap-hanapin ang labi mo, hirang [Chorus] Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon Ika'y aking iibigin Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling Tila isang sumpa (Sumpa) kung aking iisipin Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon Ika'y aking iibigin Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling Parang isang panaginip, ayoko nang magising [Instrumental Break] [Chorus] Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon Ika'y aking iibigin Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling Parang isang panaginip, ayoko nang magising [Outro] Ang balintataw ko, ikaw ang laging sambit Ang mga lumipas kaya'y muling mauulit?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ace Del Mundo
- Clem Castro