Hanggang Sa Paglagot Ng Hininga

Lyrics
[Refrain] Ah, ah, ah Ah, ah, ah Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh, ooh [Verse 1] Sa aking paglipad Dala ko ang iyong alaala Aking iuukit sa mga Matatayog na ulap Ang nangungusap mong mga mata At labing puno ng tamis At ligaw na salitang tumatakas Sa iyong puso at diwa, hm, hm, hm, hm [Refrain] Ah, ah, ah Ah, ah, ah Ah, ah, ah Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh, ooh [Verse 2] Sa aking pagwalay Tangay ko sa aking mga bisig Ang mga hiblang tama ng masamyo mong buhok Na bakas sa higpit ng pagkakayakap Mangulila man Isang pitik ng daliri at kurap ng mata Alam kong nariyan ka lamang sa aking tabi Higit pa sa multo sa dalas ng paramdam [Refrain] Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh, ooh [Verse 3] Sa aking pagbabalik Iipunin ko ang mga araw at gabi Na nawalay sa 'yong piling Susuklian ko ng habang-buhay na pagtangi Na walang makakasupil Hahamakin ang tadhana Makapiling kang lubos Hanggang sa paglagot ng hininga
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Clem Castro