Sa Kanya

Lyrics
[Verse 1] Namulat ako at ngayo'y nag-iisa Pagkatapos ng ulan Bagama't nakalipas na ang mga sandali Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi [Pre-Chorus] Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin Ngunit bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin? [Chorus] Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya [Verse 2] At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang Ay minamasdan ang larawan mo At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa Alaala ng buong magdamag [Pre-Chorus] Kung sakali man isipin na ito'y wala sa akin Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin [Chorus] Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya [Chorus] Woah, sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin Sa kanya [Outro] Sa kanya Sa kanya Sa kanya
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ito Rapadas