Ngayon Na

Album cover art for "Ngayon Na" by Ogie Alcasid

Ogie Alcasid - Pop, Pinoy Ballad

Ngayon Na

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Kay tagal nang naiwang mag-isa Na 'di nadarama, may isang nagmamahal Hanggang sa ika'y biglang natagpuan Noon din naramdaman, ikaw na ang sagot sa 'king dasal [Pre-Chorus] Ngunit bakit ganito Kung kailan ka mahal at kapiling na Kaba ko'y 'di maitago Takot nang umibig pa [Chorus] Ngayon na ba ang pagkakataon kong minimithi Ngayon na ba kasiyahan ba'y di lang sandali Ngayon na, pag-ibig ba ay ating kakampi O masasaktan lang ba ako muli [Verse 2] Makakaya pa bang turuan ang pusong Kay tagal nang sarado? Mabubuksan pa ba ito? Giliw ko, nasa 'yo ang tanging pag-asa Puso ko'y buhay na turuan mong magbago [Pre-Chorus] Alagaan mo sana ang pag-ibig kong laan Kalakip nito'y pangakong mabubuhay kailanman At sana'y [Chorus] Ngayon na ang pagkakataon kong minimithi Ngayon na, may makakapiling bawat sandali Ngayon na, sana pag-ibig ang ating kakampi 'Pagkat 'di ko na makakayang masaktan [Post-Chorus] Ngayon lang muling umibig At muling nagkapag-asa Kaya't sana'y ngayon na Ngayon na [Instrumental Break] [Chorus] Ngayon na, sana pag-ibig ang ating kakampi 'Pagkat 'di ko na makakayang 'Di ko na makakaya 'Di ko na makakaya Masaktang muli [Outro] Ngayon na Ngayon na Ngayon na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Greg Caro