Ngayon (Basil Valdez Cover)

Lyrics
[Verse 1] Ngayon ang simula ng hiram mong buhay Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay Bawat saglit at sandali Magsikap ka't magpunyagi Maging aral bawat mali [Verse 2] Ngayon bago ito ay maging kahapon Ang pagkakataon sana'y huwag itapon Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon Baka ika'y mapalingon Sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon [Chorus] Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang (Sa isip lang) Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay ngayon [Verse 3] Sa buhay mong hiram Mahigpit man ang kapit May bukas na sa yo'y 'di na rin sasapit ('Di na sasapit) Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit Masasabi mong kahit na Ang bukas 'di sumapit pa Ang naabot mo'y langit na [Chorus] Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang (Sa isip lang) Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay (Kay ganda) Bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang (Sa isip lang) Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay Bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon [Outro] Ngayon Ngayon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco