Nag-Iisa

Lyrics
[Verse 1] Ano bang ginawa ko para ako'y iyong saktan? Masama bang umibig nang tapat? Lahat na lang ng oras, inilaan sa iyo Pamilya't kaibigan, pinagpalit sa 'yo Ngayon, ako'y [Chorus] Nag-iisa, wala ka na, aking mahal Nalilito, iniwan mo ang puso ko Lahat ng hiniling mo, masaya kong ginawa Ba't iniwan mo akong nag-iisa? [Verse 2] Kahit anong sabihin mo'y hindi ko matanggap Labis mong sinaktan ang puso ko, oh Lagi kong naiisip ang aking pagkabigo Aking mga pangarap, pinagkatiwala ko Ngayon, ako'y [Chorus] Nag-iisa, wala ka na, aking mahal Nalilito, iniwan mo ang puso ko Lahat ng hiniling mo, masaya kong ginawa Ba't iniwan mo akong nag-iisa? [Bridge] Paano na ngayon ang puso ko? Nangungulila sa pag-ibig mo Mahal pa rin kita Kahit ako'y iniwan mo (Kahit iniwan mo) [Chorus] Nag-iisa (Nag-iisa), wala ka na, aking mahal Nalilito, iniwan mo ang puso ko Lahat ng hiniling mo, masaya kong ginawa Ba't iniwan mo akong nag-iisa? (Nag-iisa, wala ka na, aking mahal) Nalilito, iniwan mo ang puso ko Lahat ng hiniling mo, masaya kong ginawa Ba't iniwan mo akong nag-iisa? (Nag-iisa, ooh-ooh) [Outro] Ba't iniwan mo akong nag-iisa?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jonathan Florido