Minamahal Kita

Lyrics
[Verse 1] Aking mahal, iniisip kita Minimithi na ikaw ang laging kasama O, giliw ko, hindi magmamaliw Ang pagmamahal na inalay ko sa 'yo [Verse 2] Ang puso ko ay para lang sa 'yo Pinapangako kong hindi ako magbabago Kahit na nag-aalinlangan ka Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta [Chorus] Minamahal kita, ikaw at walang iba Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama Sana ay pagbigyan ang tangi kong hiling Na magpakailanman ika'y maging akin [Instrumental Break] [Bridge] Kahit na nag-aalinlangan ka Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta, oh Manalig ka [Chorus] Minamahal kita, ikaw at walang iba Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama Sana ay pagbigyan ang aking hiling Na magpakailanman ika'y maging akin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ogie Alcasid