Kastilyong Buhangin

Album cover art for "Kastilyong Buhangin" by Ogie Alcasid

Ogie Alcasid - Pop, Cover

Kastilyong Buhangin

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Minsan ang isang pangako'y maihahambing Sa isang kastilyong buhangin Sakdal-rupok at huwag 'di masaling Guguho sa ihip ng hangin [Verse 2] Ang alon ng maling pagmamahal Ang siyang kalaban niyang mortal Kapag dalampasiga'y nahagkan Ang kastilyo ay nabubuwal [Chorus] Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas Kahit na magsanga ng landas [Verse 3] Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pag-ibig na pansamantala [Chorus] Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas [Verse 4] Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pansamantala, luha ang dala [Outro] 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin Gumuhong kastilyong buhangin

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • George Canseco