Hanggang

Lyrics
[Verse 1] Ilang ulit mo bang itinatanong sa 'kin Kung hanggang saan Hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal? [Pre-Chorus] Hanggang may himig pa akong naririnig Dito sa 'king daigdig Hanggang may musika akong tinataglay Ika'y iniibig [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal [Verse 2] Hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo laan Mamahalin kailanman Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan Tanging ikaw lamang [Pre-Chorus] Hanggang may himig pa akong naririnig Dito sa 'king daigdig Hanggang may musika akong tinataglay Ika'y iniibig [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal [Bridge] Hanggang may puso akong marunong magmahal Na ang sinisigaw ay lagi nang ikaw Hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan kita mahal? Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isipin ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling Hanggang may pag-ibig Laging isisigaw, tanging ikaw [Outro] Hanggang may pag-ibig Laging isisigaw, tanging ikaw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gigi Cordero
- Ronnie Cordero