Gaano Kadalas Ang Minsan

Lyrics
[Verse 1] Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? Singdalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hanggan Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan [Verse 2] Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan Dahil sa ganoong paraan lang mag-iisa Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? [Chorus] Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas [Verse 3] Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa akin para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y mamamatay? Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan? [Chorus] Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas [Verse 3] Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa akin para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y mamamatay? Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan? [Outro] Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco