Kay Buti Mo Panginoon

Lyrics
[Intro] Kay buti Mo, Panginoon Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man [Verse 1] Itong aking diwa ay nanglulupaypay Ama'y dumaraing abutin itong kamay Lakas ko'y nasa Iyo, pag-asa sa buhay Dinggin Mo, oh Dios itong panambitan [Verse 2] Buhayin Mo ako dahil sa 'Yong ngalan Hirap nitong puso sana ay lunasan Kung wala mang taong lumilingap sa aking kaliitan Kanlungan ko'y Ikaw Ama ligaya sa kalungkutan [Refrain] Panginoon, Ika'y aking awit Sa tuwi-tuwina'y laman n'yaring dibdib Lungkot napapawi sa puso ko't isip Dahil sa kat'wiran sa pagkatao ko'y Iyong iniukit [Chorus] Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man Kabutihan Mo Ama'y 'di matutumbasan Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man Pangalan Mo'y matibay na moog, aking kaligtasan Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man Dahil dito Ika'y pinasasalamatan [Outro] Pupurihin, sasambahin Habang ako'y nabubuhay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon