Umpisa

Lyrics
[Verse 1] Sa umpisa lang ba laging maganda? Nalimutan ko na yatang maging masaya Hindi na alam ang nararamdaman Bakit parang mag-isa nalang lumalaban? Sa una lang ba 'lang kahati sa Sa'yong mga matang akala ko ako lang Ang tinitingnan, habang ako ay hagkan Iba na ba tumatakbo sa isipan? [Chorus] Pero kung sa dulo ay magigising At lalo lang mas mahigpit ang mga yakap mo Sulit na ang luha ko At kahit parang imposibleng isipin Balang-araw, ako ay iyong mas mamahalin Pero pa'no kung hindi? [Verse 2] Sa umpisa lang ba laging masaya? May hangganan pa pala kahit mahal mo na Hindi na alam ang nararamdaman Kung paulit-ulit mo na lang sinasaktan [Chorus] Pero kung sa dulo ay magigising At lalo lang mas mahigpit ang mga yakap mo Sulit na ang luha ko At kahit parang imposibleng isipin Balang-araw, ako ay iyong mas mamahalin Pero pa'no kung hindi? [Bridge] Mag-iipon ulit ng alaala Kung sakali man na umalis ka 'Di ka naman natitiis Hanggang dito na lang ba tayo lagi? May pag-ibig bang 'di naluluma? Titigan man magdamag, 'di magsasawa Pwede ko pa bang hintayin Oras na 'di na kailangang bilangin? [Outro] At kahit parang imposibleng isipin Balang-araw, ako ay iyong mas mamahalin Pero pa'no kung hindi?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Moira Dela Torre