Patawad

Lyrics
[Verse 1] Paano nalimutan ang lahat Na kahit konti, walang pasabi Paanong nalimutang banggitin Na nagbago na ang pagtingin (Oh, oh) [Chorus] Wala na rin naman kahit na balikan Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan At sa huling paalam naintindihan Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan [Verse 2] Paanong burahin ang sandaling Naiguhit sa panaginip Kung sa pag gising ko ikaw parin Ang nasa isip, hindi maitanggi (Oh, oh) [Chorus] Wala na rin naman kahit na balikan Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan At sa huling paalam naintindihan Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan [Bridge] Patawad, paalam Patawad, paalam [Chrous 2] Patawad kung ikaw ay aking nasaktan Hindi ko nabigay ang iyong kailangan At ang huling pangakong maibibigay Na sa ating dalawa ay wala nang sisihan Patawad, paalam sa'ting nakaraan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jason Marvin
- Moira Dela Torre