Pangako (Main Version)

Lyrics
[Verse 1] Bakit ba may lungkot sa'yong mga mata? Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta 'Di mo ba pansin ako sa'yo'y may pagtingin? Sana ang tinig ko'y iyong dinggin [Pre-Chorus] Ako ngayo'y hindi mapalagay 'Pagkat ang puso ko'y nalulumbay Sana ay pakaingatan mo ito At tandaan mo ang isang pangako [Chorus] Pangako, hindi kita iiwan Pangako, 'di ko pababayaan Pangako, hindi ka na mag-iisa Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa Ang magkasama [Verse 2] Ano itong nadarama ko? Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa'yo Sa t'wing kasama ka'y anong ligaya Sana sa akin ay magtiwala [Pre-Chorus] Kung tunay man ang nadarama mo Mayro'n akong nais malaman mo Ang aking puso ay iyong-iyo 'Wag sanang lumimot sa pangako [Chorus] Pangako, hindi kita iiwan Pangako, 'di ko pababayaan Pangako, hindi ka na mag-iisa Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa Pangako, hindi kita iiwan Pangako, 'di ko pababayaan Pangako, hindi ka na mag-iisa Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa Ang magkasama [Outro] 'Di kita iiwan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...