Marco’s Theme - Saglit

Lyrics
[Verse 1] Malayo man ang distansya 'Di man marinig Ang boses mong aking nakasanayan Pipikit na lang muna At papagalingin Ang mga mata sa kaluluha [Pre-Chorus] At hihinga ng malalim At papakalmahin ang patalim Tapos na ang laban [Chorus] Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi Kahit 'di ka na sa akin Kung bukas man ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin [Verse 2] Sa paghulma ng paalam 'Di na madama Ang pagbitaw ng 'yong mga kamay At pipikit na lang muna Iiwas ng tingin At aatras bago ito bawiin [Pre-Chorus] At hihinga ng malalim At papakalmahin ang patalim Tapos na ang laban [Chorus] Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi Kahit 'di ka na sa akin At kung bukas ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin [Bridge] Ooh, ooh At sa pagbawi ng tadhana Masakit man magpalaya Doon ako kung sa'n ka sasaya Kung sa'n ka malaya [Chorus] Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi Kahit 'di ka na sa akin Kung bukas ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsa'y sandali Naging akin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Moira Dela Torre