Bawat Daan

Lyrics
[Verse 1] Sa pagkumpas ng iyong kamay Aking landas ginagabay Nag-iisang tiyak sa isang libong duda Silong sa iyak at pagluluksa [Refrain] Kung puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, gitna't simula Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay) Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay) [Chorus] Oh, maligaw man at mawala At umikot man sa kawalan Sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa Kung timog man o hilaga Ang bawat daan ko Ay patungo (Ay patungo) Ay pabalik (Ay pabalik) Sa'yo [Verse 2] Kay tagal nang lumulutang Walang pupuntahan, walang dahilan Parang ulap na, walang dalang ulan Kamang walang kumot at unan [Refrain] Bihag ako ng pagtataka May saysay ba ang paglalakbay? Ngunit nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay) Nahanap kita (Kay tagal kong naghintay) [Chorus] Oh, maligaw man at mawala At umikot man sa kawalan Dahil sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa (Kay tagal kong naghintay) Kung timog man o hilaga (kay tagal kong naghintay) Ang bawat bawat daan ko (Kay tagal kong naghintay) Ay patungo (Kay tagal kong naghintay) Ay pabalik (Ay pabalik) Sa'yo [Outro] (Kay tagal kong naghintay) Sa iyo (Kay tagal kong naghintay) Ooh-ooh Kung ang puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, ang gitna't simula Ikaw, ikaw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ebe Dancel