Hanggang Ngayon

Lyrics
[Verse 1] Akala ko, hindi na babalik Ang lungkot at ang pananabik Akala ko, tuluyan nang nilimot ng puso Ang alaala mo [Verse 2] Akala ko, sabay ng panahon Lilipas ang hapdi ng kahapon Akala ko, mabuti pa sa piling ng iba Mahirap tanggapin, ako'y nagkamali pala [Chorus] Hanggang ngayon, ikaw pa rin Ang hinahanap-hanap ng aking puso at damdamin Hanggang ngayon, walang iba Dito sa puso ko, ika'y nag-iisa, sinta [Verse 3] Akala ko, tanda ng 'yong ngiti Ang pag-asa na makita kang muli Akala ko, natuto na 'ko na limutin ka Ngunit hindi pala [Chorus] Hanggang ngayon, ikaw pa rin Ang hinahanap-hanap ng aking puso at damdamin Hanggang ngayon, walang iba Dito sa puso ko, ika'y nag-iisa, sinta [Bridge] Hindi ko ata kaya kung wala sa piling mo Kailangan ko'y ikaw, dito sa buhay ko [Chorus] Hanggang ngayon, ikaw pa rin Ang hinahanap-hanap ng aking puso at damdamin Hanggang ngayon, walang iba Dito sa puso ko, ika'y nag-iisa Hah hah, sinta [Outro] Oh whoa whoa Hanggang ngayon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ned Esguerra