Lisanin

Lyrics
Madaling sabihing nakalimot na ako Ibinubulong sa sarili Wala na sa'kin to Ngunit di mapakali sa Tuwing pinagmamasdan ko Ang mga larawan nating itinatago ko O sana nga Ganun pa rin kasaya Puso'y gusto nang makalimot Ngunit di ko lang talaga Magawang alisin ka sa isip Pagkat alam ko na Tanging ikaw lang Ang gusto kong masama At makapiling kailanman Palaging aalagaan at Hindi ka sasaktan Bigyan mo lang ako Ng huling pagkakataon Upang ikaw ay mahalin At ako'y di na lisanin May mga panahong Naiiyak na lang ako Itinatanong sa sarili Tama pa ba to? Sabi mo noon ay hahanapin Mo lang ang sarili mo Ngunit di ka na bumalik At sabi mo mas mabuti na to O sana nga Matapos na ang pagdurusa Ahhh.... Puso'y gusto nang makalimot Ngunit di ko lang talaga Magawang alisin ka sa isip Pagkat alam ko na Tanging ikaw lang Ang gusto kong masama At makapiling kailanman Palaging aalagaan at Hindi ka sasaktan Bigyan mo lang ako Ng huling pagkakataon Upang ikaw ay mahalin At ako'y di na lisanin Ohhhh Puso'y gusto nang makalimot Ngunit di ko lang talaga Magawang alisin ka sa isip Pagkat alam ko na Tanging ikaw lang Ang gusto kong masama At makapiling kailanman Palaging aalagaan at Hinding hindi ka sasaktan Bigyan mo lang ako Ng huling pagkakataon Upang ikaw ay mahalin At ako'y di na lisanin May mga panahong Naiiyak na lang ako Naniniwala pa rin ako Sa masasaya nating panahon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Marlo Mortel