OK Lang

Lyrics
[Intro] Hmm [Verse 1] Gusto kitang makilala kaso sobra kang maganda Siguro 'wag na lang kaya Ang dami mong kasama, sosyal pa ang iba Magmumukha akong tanga Sana ay makausap kahit na konting oras Mata ko ay tiyak na kikislap Mata mo'y nakikita kahit ako'y malayo Tumitingin ka rin pala [Chorus] Ngiti naman kung okay na Na sana'y makilala Kahit na "Hi", okay na 'yan Basta't ako'y mapansin lang [Refrain] Oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh [Verse 2] Sana'y makuha ko na ang number mong 'di luma Kaso ako'y nahihiya Oh, kay gandang dalaga Sana ay maka-usap na, ang torpe-torpe ko talaga 'Eto ako'y lalapit na, kahit sila'y madami pa Baka unahan ng iba Ako'y nagpakilala Dumating ang isang kasama, boyfriend pala ang sabi niya [Chorus] Ngiti na lang, okay lang 'yan Kahit ako'y napahiya Kahit na "Hi", okay na 'yan Basta't ako'y mapansin lang [Refrain] Oh, oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh [Bridge] Ang buhay nga naman talaga 'Pag 'di sumubok, talo ka 'Di mo malaman kung okay ba 'Wag mawalan ng pag-asa, oh [Chorus] Ngiti mo lang ay okay na Mundo ko'y hihinto muna Kahit na "Hi", okay na 'yan Basta't ako'y mapansin lang [Refrain] Oh-oh-oh Oh, oh-oh-oh Yeah, oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh (Ooh) Oh-oh-oh Oh-oh-oh Oh-oh-oh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...