Buksan Mo

Lyrics
[Verse 1] Ito na nga ba ang pag-ibig? Madalas ay napapa-isip Nalilito ang puso ko Natatakot mahulog sa'yo Madalas ay naaalala Ang mga oras na magkasama Sa t'wina ay napapangiti Ang labi kong 'di masabi-sabi [Pre-Chorus] Magmula nang ika'y dumating Nag-iba ang pag-ikot ng mundo Naninibago sa nararamdaman ng puso ko [Chorus] Buksan mo ang puso ko Turuan mo pagkat ako naninibago sa'yo Tila nahulog ako 'Wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko [Verse 2] Bakit ba ngayon lang tinamaan Na kung umibig ay ngayon pa lang? Nakakatuwa na nakakainis Sa isip ko'y ika'y hindi maalis [Pre-Chorus] Magmula nang ika'y dumating Nag-iba ang pag-ikot ng mundo Naninibago sa nararamdaman ng puso ko [Chorus] Buksan mo ang puso ko Turuan mo pagkat ako naninibago sa'yo Tila nahulog ako 'Wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko [Bridge] Bigla na lang umibig, 'di inaasahan ito Ngunit ngayo'y tinamaan ako [Chorus] Buksan mo ang puso ko Turuan mo 'pagkat ako naninibago sa'yo Tila nahulog ako 'Wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko [Outro] Turuan mo Ako'y nahulog sa'yo 'Wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko Oh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...