Nang Ika’y Dumating

Album cover art for "Nang Ika’y Dumating" by Maricris Garcia

Maricris Garcia - Pop, Ballad

Nang Ika’y Dumating

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Sa bawat oras na napupuno ng tawa 'Pag ang mundo'y lumiliwanag sa saya Sa tuwing nasisilayan ang kislap sa 'yong mata Dinadalangin na ito'y 'di mawala [Verse 2] Sa bawat araw na dumidilim ang langit 'Pag ang mundo'y tila pumupula sa galit Nais kong balutin ka sa aking bisig Upang hindi maramdaman pait ng daigdig [Pre-Chorus] Mula noon hanggang sa walang hanggang bukas Pagmamahal ko ay walang wakas [Chorus] Dahil sa'yo, lahat ng bagay kakayanin Anumang bagyo, buong loob na susuungin Bigat ng mundo, kung pwede lamang aking dadalhin Dahil ang puso ko'y kahati Mula nang ika'y dumating [Bridge] Binago mo'ng takbo ng buhay Ikaw ang biyaya na Kanyang binigay [Chorus] Dahil sa'yo, lahat ng bagay kakayanin Anumang bagyo, buong loob na susuungin Bigat ng mundo, kung pwede lamang aking dadalhin Dahil ang puso ko'y kahati Mula nang ika'y dumating

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Rina Mercado