Akin Na ’To

Lyrics
[Verse 1] Sa dami ng napagdaanan, nahanap ko Mga sagot sa 'king tadhanang mapaglaro 'Di man lahat ay naniwala, pilit kong sinubok ang pangarap ko [Verse 2] Balakid ay 'di iniwasan Tinahak ko daang inukit para sa mga katulad ko 'Di pipiglas, haharapin ang anumang pagsubok nang taas-noo [Pre-Chorus] Natatanaw ko na'ng bukas na maliwanag Bakit pa bibitaw kung kakayanin na? [Chorus] Tuloy-tuloy, hindi titigil Kaya pa, huwag magpapigil Sige lang hahakbangin ko ang daan Patungo sa paikot-ikot kong landasin Para sa buhay na aking nais maabot Hindi na hihinto [Verse 3] Lakas na pinanghahawakan ay narito Haharapin anumang laban ng puso ko Bawat daan na lalakaran ay simbolo ng pagsisikap ko [Pre-Chorus] Natatanaw ko na'ng bukas na maliwanag Bakit pa bibitaw kung kakayanin na? [Chorus] Tuloy-tuloy, hindi titigil Kung kaya pa, huwag magpapigil Sige lang hahakbangin ko ang daan Patungo sa paikot-ikot kong landasin Para sa buhay na aking nais maabot Hindi na hihinto [Outro] Akin na 'to Akin na 'to Ang pangarap ko Akin na 'to Akin na 'to Buhay na aking binubuo Akin na 'to Akin na 'to
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rina Mercado