Kurba

Album cover art for "Kurba" by Maki

Maki - Pop, P-Pop

Kurba

19.5K Plays

Duration: 3:55

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Tinatangi, maaari bang sumagi sa landas Na tinatahak ng mga mata mong ngumingisi? Oh, aking 'di mawari dahilan ng paghahari Mo sa'king kaisipang hindi makahindi [Pre-Chorus] Marahan na pagkurba ng aking mga labi Sabay sa marahan mong tingin [Chorus] Mahabaging mata mo'y suma-akin Nabanaagan aking damdamin 'Di man ipahalata, bawat hangin mong buga Ang kapanatagan ko Walang ibang nais aninagin Ikaw liyag ang siyang aakapin Sa'yo tumutugma, isip ko't kaluluwa Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga [Verse 2] Bawat hawi mo sa'yong buhok Ay lalong lumalalim Ang pagtangi ko sa'yo't Aking pagkabighani [Pre-Chorus] Paboritong kurba ang 'yong mga labi (Ang 'yong mga labi) Ngiti mo sa'ki'y paratingin (Ooh-ooh, ooh-woah) [Chorus] Mahabaging mata mo'y suma-akin Nabanaagan aking damdamin (Nabanaagan aking damdamin) 'Di man ipahalata, bawat hangin mong buga Ang kapanatagan ko Walang ibang nais aninagin Ikaw liyag ang siyang aakapin (Aakapin) Sa'yo tumutugma, isip ko't kaluluwa Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga [Instrumental Break] [Chorus] Mahabaging mata mo'y suma-akin Nabanaagan aking damdamin 'Di man ipahalata, bawat hangin mong buga Ang kapanatagan ko Walang ibang nais aninagin Ikaw liyag ang siyang aakapin Sa'yo tumutugma, isip ko't kaluluwa Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga [Outro] Tinatangi, maaari bang hayaan Mo 'kong salubungin ang bawat kurba mo?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Alvin Serito