Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan

Album cover art for "Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan" by Leo Valdez

Leo Valdez - Pop, Filipino

Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan

0 Plays

Duration: 3:24

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Mahiwaga ang buhay ng tao Ang bukas ay 'di natin piho At manalig lagi sana tayo Ang Diyos siyang pag-asa ng mundo [Verse 2] Pag-ibig sa 'ting kapwa tao At laging magmahalan tayo Yan ang lunas at ligaya At pag-asa ng bawat kaluluwa [Verse 3] Irog, 'di mo ba naririnig Ang himutok ng pag-ibig at awit Ng puso galing sa dibdib Langit, bakit 'di mo pakinggan Nais ko sana'y mapawi Ang hirap at dusa na pinapasan [Verse 4] Tunay na tunay irog, ako'y balisa Hirap na lamang ang laging nakikita Bakit ang puso ko ay walang ligaya O buhay, niyaring buhay, maawa ka [Verse 5] Panaligan mo sinta ang aking pagmamahal Ang puso ko'y asahan mong iyo lamang Maniwala ka mutya, ang ligaya ko'y ikaw Pagsuyo ko sa 'yong ganda'y walang hanggan [Verse 6] Sakaling masawi niyaring puso At kahit palad ko'y mabigo Kung ikaw ang siyang sanhi Ay hindi magdaramdam At langit din ituturing niyaring buhay At langit din ituturing niyaring buhay

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Antonio Maiquez
  • A. Torres
  • Levi Celerio
  • Manuel P. Villar
  • Juan Silos Jr.
  • Macario Ramos