Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko

Album cover art for "Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko" by Leo Valdez

Leo Valdez - Pop, Filipino

Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko

0 Plays

Duration: 4:31

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Inday ng buhay ko, ikaw ay nasaan? Bigla kang nagtampo, ano ang dahilan? Kung diringgin mo lang ang puso kong nalulumbay Taghoy ko araw-araw, ikaw, ikaw, Inday [Verse 2] Madilim ang gabi noong tayo'y namamasyal Ni isang bituin sa atin ay walang tanglaw Ngunit dahil sa ang kapiling ko ay palaging ikaw Dilim man nang gabi singliwanag na rin ng araw [Verse 3] Mawala mang lahat sinta ang langit at lupa Mawala mang lahat ang buwan, bituin, mga tala Mawala man ang araw ay hindi ko rin daramdamin Huwag lamang mawala ang pagmamahal mo sa akin [Verse 4] Ang puso ko ay may lumbay 'Pagkat hindi mo pansin lamang Araw gabi, namamanglaw Naghihintay sa tunay mong pagmamahal [Verse 5] Nasaan ang iyong awa sa puso ko Na naghihintay at umiiyak nang dahil sa 'yo Hanggang may hininga, 'di na magbabago Ang sumpang ikaw lang ang iibigin ko [Verse 6] Larawan mo, Inday, hinahagkan-hagkan Kinakausap ko, luha'y bumubukal Saan kaya ngayon ikaw ay matatagpuan? Kapag 'di ka nakita, ako'y mamamatay [Outro] Nahan? Nahan? Nahan ka, oh, Inday?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Ruben Vega
  • Levi Celerio