Bakya Mo Neneng / Caprichosa / Labandera Ko / Mahiwaga

Leo Valdez - Pop, Filipino
Bakya Mo Neneng / Caprichosa / Labandera Ko / Mahiwaga
0 Plays
Duration: 3:54
Lyrics
[Verse 1] Bakya mo Neneng, luma at kupas na Ngunit may bakas pa ng luha mo sinta Sa alaala'y muling nagbalik pa Ang dating kahapong tigib ng ligaya [Verse 2] Ngunit irog ko, bakit isang araw Hindi mo ginamit ang Bakya kong inialay Sa wari ko ba'y 'di mo kailangan 'Pagkat 'ya'y kupas na sa ganda at kulay [Verse 3] Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw Sa bakya mo Neneng na 'di nasilayan Kung inaakalang 'yan ay munting bagay Huwag itapon, aking hirang Ang aliw ko kailanman [Verse 4] Caprichosa kung ika'y tumatawa Ang katulad mo'y mabangong sampaguita May pang-akit ka na bumabalisa Sa madlang sa 'yo ay sumasamba [Verse 5] Bakit nga ba kung wala ikaw, hirang Ay para na ring nawala yaring buhay? Nais din kita, pihikan ka man Puso ko'y iyo, caprichosang Paraluman [Verse 6] Labandera ko, tunay ka kung gumiliw Ang batya't balo-balo ang siyang laging kapiling Kung naglalaba sa pagsimoy ng hangin Sa tabi ng batisan, awit mo'y mapapansin [Verse 7] Maging ano man ang hirap sa buhay Ay ligaya rin kung dulot mo, hirang Sa agos nitong tubig na malinaw Ang sugat ng puso'y aking huhugasan [Verse 8] (La-la-la-la-la-la-la-la) (La-la-la-la-la-la) Kung may hirap, may ginhawa (La-la-la-la-la-la-la-la) (La-la-la-la-la-la) Sa gawain, diyan ka liligaya [Verse 9] Mayro'ng aliw-iw at himig ang tubig At may gunita sa ating pag-ibig Ang sumpa mo pa'y singlinaw ng batis Na ikaw ay akin lamang hanggang langit Na ikaw ay akin lamang hanggang langit
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Dominador Santiago
- Levi Celerio
- Santiago S. Suarez