Makayanan Ko Kaya

Lyrics
Bakit kailangan pang magkalayo Ngayong nahulog na'ng damdamin sa'yo Sinuyo ako, pinaibig, pinaasang di ka magbabago Sinanay araw araw hinahanap lagi mga halik at mga yakap mo Ngunit ngayo'y nagpapaalam ka na Iiwan mo akong nag-iisa Makayanan ko kaya ang limutin ka Nasanay na kasama ka di biro ang iwasan ka Kapag ako'y iniwan mo paano na ang puso ko Ikaw lang ang inibig ko pangako mo iingatan ako Di ko kayang mawala ka sa buhay ko Mayroon na bang iba sa puso mo Sabihin mo't di magagalit sayo Ang puso kong tapat sayo sa simula hanggang wakas Magtitiis pagsapit ng gabi wala ka dito sa aking tabi Paano na ang buhay ko ngayon Ako'y nag-iisa wala ka na Makayanan ko kaya ang limutin ka Nasanay na kasama ka di biro ang iwasan ka Kapag ako'y iniwan mo paano na ang puso ko Ikaw lang ang inibig ko pangako mo iingatan ako Di ko kayang mawala ka sa buhay ko May araw bang matatanaw, kapag wala ka na Kapag ako'y iniwan mo Makayanan ko kaya? Makayanan ko kaya? Makayanan ko kaya?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Larry Hermoso