Nag-iisa Na Naman

Album cover art for "Nag-iisa Na Naman" by KZ Tandingan

KZ Tandingan - Rap, R&B

Nag-iisa Na Naman

13.6K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Intro] (Ooh, uh) Oh, oh (Uh) Oh-ooh-ooh-woah-oh Woah-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh, yo [Chorus] Nag-iisa, nag-iisa na naman (Nag-iisa) Bakit ba (Bakit ba?) walang kadala-dala? Oh, tama na, umiiyak na naman Oh, ang hapdi, oh, ang hapdi ng pighati Ngayong nag-iisa na naman [Verse 1] Gulong-gulo at ang sakit sa ulo Pinipilit kong limutin 'tong matatamis mong pangako Wala daw oras, ngunit mayro'n pa lang iba Ibibigay daw ang lahat ngunit may sobra pa sa kanya (Ano ba 'yan?) 'Di na tamang 'di ko mapigil-pigilan 'Di ko matigil-tigilan ang damdamin kong baliw na baliw Niloko mong harap-harapan at paggising ko'y wala ka na nga, oh [Chorus] Nag-iisa, nag-iisa na naman (Nag-iisa) Bakit ba (Bakit ba?) walang kadala-dala? Oh, tama na, umiiyak na naman Oh, ang hapdi, oh, ang hapdi ng pighati Ngayong nag-iisa na naman [Verse 2] Uh, bulong-bulungan ng lahat kung paano mo 'ko pinaikot sa'yong mga palad Ilang taon ba ang sinayang at laking panghihinayang? Bakit sa 'yo pinikit ang mata't Alam ng lahat na sa pag-ibig, ako'y bulag-bulagan ('Wag na nga) Tinamaan ang damdamin Pagdating sa'yo ay kayang ibigay maging itong buong buhay, uh Hindi isa, hindi dalawa, kahit ilang beses mo pa 'kong ginagawang tanga Oh, gano'n na nga Ngunit tama rin naman sila Dapat siguro, 'di na pinatagal nang ganito Oh, Diyos ko, ano ba 'to? 'Di na nadala, ulit-ulit na lang, ano ba'ng ginawa't Ngayo'y hindi mo na minamahal? Oh, na-na-na-na-na [Chorus] Nag-iisa, nag-iisa na naman (Nag-iisa) Bakit ba (Bakit ba?) walang kadala-dala? Oh, tama na, umiiyak na naman Oh, ang hapdi, oh, ang hapdi ng pighati Ngayong nag-iisa na naman (Naman, oh) Nag-iisa na naman (Nag-iisa) Bakit ba (Bakit ba?) walang kadala-dala? Oh, tama na, umiiyak na naman Oh, ang hapdi, oh, ang hapdi ng pighati Ngayong nag-iisa na naman [Outro] Kulang pa ba'ng pagmamahal? Kulang pa ba ang nilaan? Bakit nag-iisa na naman? Oh, kulang ba? Kulang pa ba'ng napadama? Kulang pa ba't humanap ka pa? Bakit nag-iisa na naman? Oh, kulang ba? Kulang pa ba'ng pagmamahal? Kulang pa ba ang nilaan? Bakit nag-iisa na naman? Woah, kulang pa ba? Kulang pa ba'ng napadama? Kulang pa ba't humanap ka pa? Bakit nag-iisa, oh, bakit nag-iisa na naman?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Kiko Salazar