Marupok

Lyrics
[Chorus] 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok 'Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo, 'di mo 'ko maloloko 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Uh [Verse 1] Tao po, bigla akong napalingon sa'yo Isa, dalawa, tatlo (Isa, dalawa, tatlo), ngiti pa lang nahulog na ako Iba ang kinang ng iyong mata Iba ang tibok ng puso 'pag ikaw ang kasama Misteryoso tahimik, sadyang mahilig magpaasa Ay ,nag-chat ka pala, ito na ang unang kabanata Lulubog, lilitaw, 'wag ganyan sa isang marupok Aww [Chorus] 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok 'Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo, 'di mo 'ko maloloko 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Sorry na, marupok [Verse 2] Pagbangon sa umaga, "Good morning" mo unang hinihintay At minsan inuumaga, hinihintay kung kailan ka magrereply Hinawakan mo na ang aking kamay noong isang araw Sabi mo ako sa'yo'y mahalaga 'Pag kasama na ang pamilya't mga kakilala Pakilala mo sa'kin, "Kaibigan ko lang po siya…" [Chorus] 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok 'Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo, 'di mo 'ko maloloko 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Sorry na, marupok [Bridge] Ang sabi ko tama na 'Di na kita babalikan 'Di mo kayang panindigan ang mga sinasabi mo Puso ko'y hindi laruan Madalas akong nasasaktan Alam ko naman na katangahan ang umasa sa paasang katulad mo [Chorus] 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok 'Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo, 'di mo 'ko maloloko 'Wag kang kakatok, 'wag kang kakatok 'wag kang kakatok 'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok 'Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang kailangan ko, 'di na magpapaloko 'Wag kang kakatok, 'wag kang kakatok 'wag kang kakatok Wag kang kakatok kung hindi naman papasok [Outro] Sorry na, marupok
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Danielle Balagtas